Dito po sa amin
Buhay ay sadyang kakaiba
Maraming pagbabago, pagunlad ay makikita
Sa lahat ng tao, bata o matanda
Merong masasaya at mukha ay sariwa
Merong malulungkot, mga mukha'y nakakulubot
Ang iba'y magalinmg mag-German

Ang iba'y sinasabing
"Mein Deutsch ist kaputt!"


Dito po sa amin
May maraming lahi
May mga Turko, Yugo, at Asyano
Iba-iba ang kulay, balat at buhok nila
Iba-iba ang ugali, sana lang ay hindi hati-hati
Natututo sa isa't isa, sa mga aktibidad ay sumasali

Dito po sa amin
Maraming masasarap na pagkain
Lalo na pag fiesta, birthday at pasko
Lalong masarap kung si lola ang nagluluto
Sinigang, adobo, tinola at puto
Mga gulay at prutas sa mesa'y laging nakikita
Kung kakagat ka pakiramdam mo ay langit

Dito po sa amin
Malinis ang paligid
Lalo na sa banyo kung saan naliligo
Sino'ng naglilinis? Syempre ang mga Pilipino
Na nakakatanggap ng mababang sweldo
Ngunit kahit papaano. mas maginhawa ang buhay dito
Pero namimiss din namin ang masayang pasko
Pamilya't aguinaldo ang inaasam-asam ko.