Sa pagsapit ng taong 2011, ikinakagalak ibahagi ng PINAS FIRST sa mga kasapi at mga tagapagtaguyod nito, ang kolektibong ani at tagumpay na ating natamo sa taong 2010:

a. Stop the Killing Campaign at ang HOPE Advocates


Ang panahon ng eleksyon sa Pinas ay nagbigay ng pagkakataon ng makapagbuo ng isang taktikal na alyansa na (HOPE) Honest, Orderly & Peaceful Election Advocates. Ang nasabing alyansa ay nabuo bilang pagpapatuloy ng kampanya para sa pagtatangol ng karapatang pantao or HR, ang „Stop the Killings Campaign“ sa Pinas.

Nakapaglunsad ito ng mga forums na nagpaliwanag sa kasaysayan  at katangian ng eleksyon sa Pinas, gayundin ang hinaharap nito. Nakapagpadalo ng sampung mga kilalang personalities mula sa taong simbahan (katoliko at born-again).



Nakapaglabas din ng publication kaugnay sa kampanyang ito, ang Bayang Hinirang, 2nd edition na 200 copies.

Ang naging culmination ng mga activities nito ay isang ecumenical  prayer meeting dinaluhan ng mahigit 100 katao mula sa iba‘t ibang simbahan sa Vienna at Filipino community organisations noong ika 11 ng Marso, 2010, sa Donau City Church Cellar,VIC, 1220 Vienna. Natamo ang mga layunin nito tulad ng pagtipon ng mga Pinoy sa  Austria at mahikayat sila sa malawakang paglahok sa  eleksyon. http://pinas-first.com/index.php?option=com_content&view=article&id=236&Itemid=214

Nakapaglunsad din ang alyansa ng isang petition signing campaign sa mismong ecumenical prayer meeting. Sa isang artikulo ni Hector Pascua, ABS-CBN Europe News Bureau, kanyang ibinalita: "Several Filipino leaders in Austria came out with a petition letter addressed to the Philippine government, the United Nations, and to the Amnesty International, demanding an end to all acts of harassment against human rights defenders as well as an end to the culture of impunity in the Philippines." Please see more on http://pinas-first.com/index.php?option=com_content&view=article&id=237inoys-in-austria-sign-petition-on-hr-violations-in-rp&catid=16&Itemid=147

Bahagi ng Stop the Killing Campaign ang isang  Picket rally at the Office of the Philippine Embassy, Laurenzerberg 2, A-1010 Vienna 16 April 2010, 6pm. Ang panawagan: Justice to all victims of human rights violations!Immediate release of the Morong 43 health workers! see pictures at  p://pinas-first.com/index.php?option=com_content&view=article&id=244&Itemid=216

Hiwalay sa HOPE advocates ay nakapagkampanya ang PINAS FIRST  para sa mga progresibong kandidato. 

b. SMILE in every step Project(Tsinelas, Lapis, at iba pa )

Bilang pagpapatuloy ng charity campaign para sa mga nasalanta ng Peping at Ondoy (paglahok sa Unity for a Cause at fund raising sa International Day at MODUL International Tourism School noong 27 March 2010) ay inilunsad natin ang kampanyang ito.

Tayo'y patuloy na nangangalap ng pondo para mabigyan ang mga bata sa Baseco at Muntinlupa ng tsinelas at mga gamit pang-iskwela. Please see more on: http://www.causes.com/causes/491926/about

Ang pagsisikap na ito ay naging matagumpay at nabigyan ng katuparan. Masaya at masiglang natanggap ng mga bata sa Baseco at Muntinlupa ang mga tsinelas at mga gamit pang-iskwela. Tignan ang video sa http://pinas-first.com/index.php?option=com_seyret&Itemid=113&task=videodirectlink&id=472

c. Barangay Center sa Austria (BCA)
Nitong huling bahagi ng taong 2010 ay sinuportahan natin ang isang grupo ng mga masisigasig na kabayan sa pagtatayo ng masaklaw at malapad na alyansa, ang Barangay Center sa Austria. Nabuo ang 11 kataong komite na nag-aasikaso nito. May burador na ng kaisahan o basis of unity. Naging katulong ng PINAS FIRST ang nasabing komite sa pag-aasikaso ng pagpapalabas ng Dukot.

d. Mga publikasyon: Bayang Hinirang (BH), at pinas-first.com website       
Bayang Hinirang

Ngayon taon 2010 nailabas natin ang tatlong publications: Una ay noong Mayo ay ang 2nd issue ng BH(panahon ng eleksyon), 200 copies.

Pangalawa ay noong Hulyo, isang special ng BH na isyu para sa 100 days ni Pnoy at ang project na Smile in every step Project (Lapis, papel at iba pa), 200 copies.

At pangatlo ay isang BH special issue din na naglalaman mostly hinggil sa Dukot at ang usaping Karapatang pantao.150 copies.

website (please see pinas-first.com)
Nangalap ang PINAS FIRST ng mga mungkahi para sa pagpapasigla ng Website at BH na isasagawa sa lalong madaling panahon.

e.Dukot

Isang tampok na gawain ng PINAS FIRST sa taong 2010 ang pagpapalabas ng Dukot sa Gasometer, Vienna noong Nobyembre 28, 2010 at dinaluhan ng mahigit na 80 katao.. (http://pinas-first.com/index.php?option=com_content&view=article&id=251:a-special-screening-of-the-true-to-life-film-dukot&catid=16&Itemid=147 ). 

Karamihan sa dumalo  ay mga kamag-anak, malapit na kaibigan, kasama sa trabaho ng mga kasapi ng PINAS FIRST. Mayroon ding dumating na mga kinatawan ng mga iba't ibang grupo na kaisa natin sa ating mga panlipunang mga layunin.

Malaking bilang din ang namobilisa ng Komite na nag-aasikaso sa pagtatayo ng Barangay Center sa Austria, ang huli ang isa sa beneficiaries ng pagpapalabas ng DUKOt. (Tingnan  ang hiwalay na artikulo hinggil sa BCA sa ibaba)

Napabatid natin sa mga manonood na makabuluhan pa rin ang salita ng propetang Amos sa ating panahon: "But let justice roll on like a river, righteousness like a never-failing stream!" (Amos 5:24) More on 
http://pinas-first.com/index.php?option=com_fireboard&Itemid=110&func=view&id=857&catid=20

Ating sisikaping maipalabas muli ang Dukot sa ikatlong buwan ng taon 2011.

Sa pangkalahatan, napanatili ng PINAS FIRST sa taong 2010 ang kanyang status bilang isang masiglang community organisation sa Vienna.

At puno ng hamon ang taong 2011.

We encourge those who joined and supported our 2010 program of activities to again be a part of our 2011 action. Let us "See that justice is done,.... and help those in need." (Isaiah 1:17)

In the same manner, let us confirm our endless vision of a society where every citizen has the equal opportunity to live a decent, peaceful and dignified life and is in solidarity with one another.
And vigorously advance the mission of encouraging the Filipino migrants and their families to uphold and promote their rights and welfare and engage them to partake in the national movement for social transformation in the Philippines. 

Mabuhay ang Migranteng Pilipino!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!

Pinoy In Austrian Society For Integrity, Reforms and Social Transformation   (PINAS FIRST) 02 January 2011