( para sa unang anibersaryo ng PINAS FIRST )
 May luha itong mga mata ng tayo ay lumisan.
Sa lupang sinilangang ating pinakamamahal.
Sanhi ng kaligayahan at isang tipak na kalungkutan
Sa paglayo sa bayang,  kinukubakob ng kahirapan.
Walang katapusang pagdurusa´t tigib na kapighatian.
At ngayon nga ng lumapag dito sa lupang banyaga.
Tangay pa rin sa isip, sagad na pagdurusa nitong lupa.
Sa sariling bayan, kababayang nagmistulang timawa.
Sa kanilang pananangis at tigib na pag-mamakaawa.
Sikatan ng pag-asa, bawat nagdurusang kaluluwa.
Kaya ng nandito na sa tinugis na kapalaran,
Sa ibang mundo nakalasap ng munting karangyaan.
Di rin nawaglit sa isipan ang bayang doo´y nilisan.
Nangangrap pa ring isang araw na   muling babalikan.
Bayan nating uuwia´y may ganap nang kasaganahan.
At tayo´y nagsimula sa isang matayog na pangarap.
Tipunin ang mga anak ng bayang sa ibayo´y naglayag.
Upang mag-handog ng lakas sa pangarap na bukas.
Isanib sa tinig ng mga kapatid na doo´y nag-aaklas.
Para sa lipunang maglilingkod sa kabutihan ng lahat.
kaya´t isang taong karanasan,sa puso´y pasasalamat.
Nagbigay sa atin ng mga aral, at sa isip ay nagmulat.
Mga kalakasan at kahinaang sa pagtugonng ginanap.
Ngayo´y isa nang pedestal sa paghubog ng ating landas.
Gabay na karanasang magsusulong nitong pangarap.
Ang isang taong nagdaan nati y,matalim na pagsubok.
Sa pagharap sa mga suliranin at mga himutok.
Tupdin ang damdaming para sa baya´y nag-uudyok.
Pagmamahal sa lupang  hindi matatapos.
Buklurin ang mga kapatid, nang sa kanya ay maglingkod.
PINAS FIRST ang kanlungan, na sa atin ay nagbubuklod.
  
                                                                                      Epoy04/06