Sa panahon ng dilim sa bayan nating nilalangit.
Lumalaganap ang hapis na ibinunga ng lupit.
Gumagalang kabangisan, sa diwa´y pumupunit.
Taimtim na pag ibig  hangad nila´y iligpit.

Mga  salaring sa dugo ng bayan ngayo´y nanibasib.  
Ang mukha ng mga lapastangang di nahihiya.
Magkalat ng sariling dumi sa ibabaw nitong bansa.
At kapag kinalabit at saka agad pinuna.

Magwawalang parang asong nag-aapoy ang mga panga.
Nagtatampong mamamaya´y  lalapaing biglang bigla  
Ngunit ang panata ng bayang hindi pagagapi.
Sa bangis at lupit ng salaring mapang-api.

Diwang walang puwang ang takot at pighati.
Agos na dadaloy sa pagwawakas ng pagtitimpi
Itatambol ang panatang palayain ang ating lipi. 
Dahil ang ating diwa´y malinis na layunin.


At ang ating puso´y may iisang hangarin.
Katarungan sa bayan at kalayaa´y maangkin.
Ng sa wakas itong lupa kasaganaha´y lasapin.
Luha ng mga kapatid,tuluyan nang puputulin. 
At ang ating mga ambag sa ano mang paraan.


Dadaloy, aagos sa bawat puso ng sambayanan.
Inihandog nating alay para sa kanyang kalayaan.
Oras o talino, maging halaga o kapaguran.
Lakas na gagapi sa kaaway nitong katarungan.  

Kaya nga salamat maraming salamat
Sa iyong inihandog na sa bayan ay siyang dapat
Pag ibig mong bumubuhay sa pag-asa at pangarap.
Na ang baya´y makita na, ang langit nitong bukas.

Sigaw nitong katarungan ay marinig na sa wakas. 
At ang sa atin nga´y panatang di palulupig.
Hadlangan man nila ng pangil na bangis.
Itong ating hangari´y di nila mahahapis

Ang mga mapulang dugong lalatay sa sahig.
Guguhit na bantayog ng matikas na pagtindig.
Mga Pilipino tayong kailan ma´y di palulupig.                                                                        

Epoy/12/06