Oo  nga´t lumuluha ka ng buong kalungkutan.

Sa pagdurusa ng baya´y labis na nagdaramdam.

Tumatangis ang puso sa hambalos ng kahirapan.

Nananaghoy sa hagupit ng katarungang hindi makamtan.

Habang  nag-aaliw sa ligaya ang mga ganid ng lipunan.

 

Oo ngat nahahabag sa ng lipunang hindi maiwasto

Sa kasaysayan ng bayan mong nilalaro ng mga dayo.

At sa bawat lumilipas na kahapong puno-puno ng siphayo.

Nalulumbay ang buong diwa, nagdurugo pati puso.

Pangamba sa bawat bukas, parang multong kalaguyo.

 

At habang ino uk-uk ng kabulukan ang sistemang ito

Sa kaibutura´y na-aagnas ang pundasyon ng  pangako.

Ng kalayaang parang isinabit sa kaydulas na palasibo

Habang nagsasaya ang mga uod sa nana ng ating mga sugat

At ang mga lintang sa laman at dugo ng baya´y nagpapasarap

Hinagpis ng pagdurusa ang sa lahi  ngayo´y pinalalasap.

 

Kaya ang tanong na ito ng bayan ay para sa ating lahat.

Aanhin ba ang mapait na luhang hindi maipanglalanggas

Sa nagnanaknak na sugat ng lipunang hindi nagwawakas ?

Para saan ang iyong awang  walang unawa´t pag-ganap.

Kung ang kanya ngayong pagdurusa´y di hahanapan ng lunas.?

 

Kaya sino pa ba ng dapat asahang mag-aral at maghanap.

Lunas na maghihilom sa lumalala nyang mga sugat.?

Di ba´t tayong mga anak ng bayang tunay na liyag ?

At kung hindi tayo ang kikilos sino pa ang dapat ?

Kung hindi tayo ang kikibo sino pa ang gaganap.?

At kung hindi ngayon, kailan ang katotohanan sasambulat?

 

 

                                                                                      EPOY: 06.02.07