Pilitin mong igalaw ang naninigas na katawan.
Sa pagkakahiga katamaran ay labanan.
Bundok ang gawaing naghihintay kaibigan
Magsimulang umunat paganahin ang mga laman.
 
Kay dami sa ngayon sa pagkakahiga'y di magbangon.
Daig pa ang nalasing sa maraming maghapon.
Katawa'y ayaw ikilos, sa bangungot ay lulong
Kaya laging napag iiwanan ng mga pagkakataon
 
Marami rin namang sa atin ay bumangon na
Subalit ang isip at diwa ay tulog na tulog pa
Daig pa ang mga sabog, naglalakad na tulala.
Mga  nagaganap sa paligid hindi napupuna,
 
Kaya sayang din kung sa iyong paggising.
Hindi ka magbabangon at gawain ay di pansinin.
Kung di lulunasan mga suliraning kikikimkim
May halaga ba bawat oras sa buhay mo ay darating ?
 
Hindi lang paggising ang hiling ng ating panahon,
kailangan din ay pagkilos at ang iyong pagbangon.
Ikilos ang sarili para sa makabuluhang nilalayon
Palayain ang isip sa bangungot na naglalambong.
 
Kaya gumising, kumilos, kaibigan bumangon ka.
Ang landas ay tahakin tungo sa iyong pag laya.
Isip ay palayain sa mga bangungot at haka-haka.
Ang iyong paggampan ay hihihintay ng madla.

 
                                                Epoy 12/14/07